Ang Magtataho at Taho
Parte na ng kulturang pinoy ang magtataho. Sino bang bata ang hindi lumaki na nakarinig ng mamang sumisigaw ng "taho!!!" bawat umaga. Depressed areas or subdivision ng mga elitista, malamang ay nalibot na ng mamang magtataho. Dumating iyong panahon na halos ang kinanakain namin ay taho tuwing almusal dahil walang nagluluto sa umaga. Sa lakas ba namang sumigaw ng magtataho sa amin, hindi maaring ma-miss ang kanyang paninda. Physically fit at may operatic voice ang mga magtataho for sure!
Bakit ko biglang naisipang mag-blog dahil sa magtataho? Sinira ng magtataho ang tulog ko kaninang umaga. Napaaga tuloy ako ng gising. Tsk, tsk. Ang taho ay gawa sa pinaghalong pinakuluang soybean at matamis na syrup. Naalala ko, may gumagawa nga pala ng flavored taho business. Mukhang wala pang nakakapag-discuss nito sa PMT.
PS:
images were borrowed from:
1. http://www.farm3.static.flckr.com
2. somewhere in blogspot
<< Home