The Hound of the Wolf

For the strength of Pack is in the Wolf, and the strength of Wolf is in the Pack -Rudyard Kipling

Thursday, January 18, 2007

Shock and Awe

Sa patuloy na opensiba ng AFP laban sa mga Abu Sayyaf, sunod sunod nang napapatay ang mga "heavywieghts" na mga myembro ng ASG. Nauna nang minalas si Abu Solaiman o ang tinaguriang "The Engineer". Di lang dahil sa siya ang chief planner sa pagpapasabog (ng mga bomba) kundi isa din siyang licensed civil engineer. Yep, you heard it right.
Nakakaawa nga lang na dahil sa misdirected principle ni Eng. Abu Solaiman, maaga siyang kinuha ni Allah. Ang susi daw sa matagumpay na operasyon ang information na mula sa ilang US advisers. Amerika nanaman!

Di ko maiisip na bagamat napakaliit na lang na grupo ng Abu Sayyaf, wala pa ring kakayahang tuluyang masupil ito ng AFP. Kunsabagay, ang "working together with the US" na sinabi PGMA ay lalo lamang mapapatibay sa pangyayaring ito. Kung nagtatagumpay ang "working together" sa mindanao, hindi siguro dito sa manila. Kamakailan lang ay nagtangkang sugurin ng League of Filipino Students ang US Embassy upang i-protesta ang pagkakalipat ni Lance Cpl Smith. Sa UN Ave pa lang, nagka-engkwentro na ang mga pulis at mga estudyante. Kawawa iyong ipinakitang protester na tinamaan ng dulo ng shield ng isang pulis. Talagang knock out sa kalsada.

At kasama ako sa nasampolan ng paranoia ng US embassy. Hindi ako nahampas o na-harass pero parang pinaramdam sa akin na parang may ginawa akong masama. Masama kayang kumuha ng litrato ng logo ng embassy? Oo, simpleng pagkuha lang ng picture ay in-interrogate na ako ng mga SG's at kinuha ang contact details ko. Di ko masasabing may rule na nilabag dahil wala namang nakalagay na bawal kumuha ng picture at out of inocence and curiosity lang ang action. Muntik nang sinira ng sitwasyong ito ang araw ko.



PS: Buti na lang at natapos ang araw sa pinakamainam na paraan na maiisip ko. Ang sarap ng chicken curry!