The Hound of the Wolf

For the strength of Pack is in the Wolf, and the strength of Wolf is in the Pack -Rudyard Kipling

Tuesday, September 30, 2008

Isang HYPERTHERMIAC na araw

Natapos ang ika-36 na araw ko sa Capiz ngayon, Sept 30. Halos tapos na din ang Maternal Care module ng CHITS kasama ang madaming complications ang FHSIS. Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang pagod. Nag-iinit ang aking katawan pero hindi naman libido (hehe). Hyperthermia na ito dala ng sobrang pag-iisip. Nag-overheat na ang mga brain cells para lang sa SQL code na ito:

"SELECT a.mc_id,b.prenatal_date FROM m_patient_mc a,m_consult_mc_prenatal b WHERE a.patient_id='$pxid' AND a.mc_id=b.mc_id AND b.visit_sequence=1 AND b.prenatal_date BETWEEN '$_SESSION[sdate2]' AND '$_SESSION[edate2]' AND (TO_DAYS(a.patient_edc)-TO_DAYS('$vacc_date'))<='$tt_duration[$tt_num]'"

Ang ginagawa lang nito ay dini-determine kung ang isang buntis ay protected sa tetanus. Solved, in 5 hours of coding. Syet, nilalagnat na ako pag katapos. Kung magaling lang talaga ako sa MySQL, mas madali na ito. But i must say I am a notch higher now in terms of Mysql skills.

Makatulog nga muna ...zzzz.