The Tar Pit
Sa nakalipas na dalawang linggo ako ay napilitang (yet the better term is "forced self-motivation") na mag-aral ng apat na kompyuter languages. Una ang Java, ikalawa, XML, ikatlo VB.Net at panghuli MS Visual Fox Pro. Ang sarap gawin pero di ko naman magawa. Nakasanayan ko na ang magkaroon ng interest sa mga bagong bagay at aralin ito agad. Pero nakakapagod pala. Gaya nga ng sabi ng isang kawikaan "The spirit is willing but the flesh is weak". Senyales na ba ito ng pagka burn out?
Personal definition ng burn out - paggawa at pag-assume ng napakaraming tasks ngunit wala namang matapos tapos. Loser ang labas in the end, wala na nga natapos, sobrang pagod pa.
Sh*t, ayoko maging ganito kahit alam ko na papunta na ako sa ganitong estado. It's time to fought back and avoid this deadly tar pit. Learning from Pam's site, kailangan ng sense of objectivity. Mga naiisip kong solutions:
1. Magsanay sa pagpupuyat pero huwag isipin na ito ay pagpupuyat.
2. Get occupied most of the time, idleness will mislead you to petty things.
3. Liitan ang comfort zone, lawakan ang threshold sa pag-handle ng pressure.
4. Re-prioritize and execute tasks with higher sense of discipline.
5. Develop an attitude of "getting things done".
Sana sa mga solutions na ito, di rin ako ma-burn out sa paggawa.