A string of bad luck
at ang mga detalye ...
1. Nakatakda akong umalis ngayon papuntang Surigao para mag-conduct ng PhilMIS training. Mag-isa na lang akong sasakay ng eroplano dahil nauna na ang mga kasama ko. Ang alis sa NAIA Centennial Terminal ay sa ganap na 10:20AM, Flight PR477 Manila to Butuan. Pagdating ko sa airport, ako ay magpapacheck-in na sana nang makitang nagkukumpulan ang mga tao sa counter. Whaaaa, cancel ang flight!!! Nang tanungin ko ang attendant nasira ang eroplano.
2. Naayos naman ang lakad at nai-adjust to next week ang trip. May consolation pang P500 from PAL. Before going back to Manila I decided to drop by to Malibay Health Center. Pag kapa ko sa bag, wala ang memory stick at mini screw drivers. Change plan.
3. Dumiretso ako ng Ayala foundation para magpa-verify ng check. Gaya ng naka-gawian, pag pasok sa opisina, itatanong ko agad si Sir Rey Noche o si Ma'am Betty. Swerte nandun si Ma'am Betty pati na rin ang mag-sign ng check. NAng hinanap ko ang check sa bag, hindi ko makita. Pinagpawisan ako ng butil-butil at malamig. Naglalaro sa isip ko na baka nasa ibang kamay na ito. PAg tawag ko sa bahay upang itanong kung may pakalat kalat na check , sabi ng nanay ko wala. Twice ako tinanong ni Ma'am Betty kung nakita ko na. Lalabas daw kasi sila at babalik ng 1:30 (around 12:45 na nun). Sabi ko sa kanila "no problem, i can wait." Wala pang 10 mins mula ng umalis sila, nakita ko ang check na nakaipit sa libro ko. Naghintay ako at lumipas ang 1:30 ay wala pa rin sila. Dumating sila ng 4PM. Ok lang at least na pirmahan.
4. Pag baba ko sa tricycle, nahulog ang piso na sukli at di ko na makita.
Bagamat puro kamalasan ang nangyari ngayon, may ilang consolation naman:
1. Ang P500 cash assistance ng PAL.
2. Ang text ni Peachy na ang laman ay "Kapal! Hehe".
3. Fried chicken ng McDO.
4. Isang bagong folding bed.
5. Isang laptop deal na kailangan ko ma-close pagkapatos ng blog na ito.
6. Amoy ng pritong isda na kasalukuyang iniluluto para sa dinner namin.