The Mindanao Escapade - Manila to CDO
Nitong lumipas na linggo, muli nanamang nagsama-sama ang PhilMIS team para software deployment at training sa Bukidnon at Misamis Oriental. Bandang 2AM ng September ay lumayas na ako bahay upang umabot sa flight to Cagayan de Oro at 5:10 AM. Smooth ang travel sa from Novaliches to Blumentritt dahil walang traffic. Wala pa rin ang mga tindero at tindera na sumasakay sa mga dyip dala ang kanilang mga panindang isda. Ayos, di na ako pinagpapawisan at di rin amoy malansa.
Pagdating sa Blumentritt, dumaan muna ako ng 7-11 upang bumili ng mineral water at makakain. Saktong paglabas ko ay bumuhos ang malakas na ulan. Dala na rin ng sense of urgency, tinakbo ang kahabaan ng blumentritt at swerte naman na may naka-abang nang taxi. Habang nasa taxi, marami din kaming napag-kwentuhan ni Manong taxi driver (hehe, di ko naitanong ang pangalan). Nandiyan ang matinding baha sa Manila, pulitika, ekonomiya, airport security, mga holdup experiences, pagpatay kay Ninoy, etc. 1974 pa palang driver si manong kaya dami ko rin natutunan. Umabot ng P142.50 ang bill pero worthy naman.
Kapansin pansin sa airport na medyo naghigpit sila ng security kumpara sa mga nakaraan kong pag-alis. Naipuslit ko naman lahat ng kontrabandos ko loob ng NAIA. No incident pissed me off except for the guard who asked me a question in visayan language. :> Maaga ako ng isang oras as flight ko kaya nag-computer muna ako. Sinubukan ko ang bagong bili kong Wifi card pero di ko rin nagamit dahil walang driver. Maikli lang ang isang oras. Maya maya lang ay may nagsalita na ng .... Attention to passengers of flight PR 181 bound forCagayan de Oro. Gate S6 is now open. CDO, here I come!
.... to be continued ....