The Hound of the Wolf

For the strength of Pack is in the Wolf, and the strength of Wolf is in the Pack -Rudyard Kipling

Friday, October 27, 2006

Another day in the CHITS battlefield






Sinimulan ko ang araw na ng may renewed perseverance at enthusiasm. Paano ba naman eh big day ito para CHITS o ang Community Health Information Tracking System. It's a chance to brainwash este evangelize people about the principles of Health Information Systems and CHITS. It's good thing that the DOH-CHD4 administration had given us an avenue to share and propagate knowledge.

Hindi mahirap hanapin ang Robbinsdale Hotel dahil may napakalaking sign ito na kitang kita sa highway. The place is conducive for conferences, workshops and meetings. Mabait pa ang mga staff. The audience are receptive although hindi maiiwasan ang mga tanong. Maigi nga ito dahil siguradong nakikinig ang mga tao. Sana ay maging effective ang convincing powers ni Dr. Marcelo.

All praises din sa mga taga Lagrosa Health Center. Ang galing nila mag-demo ng system. Sa totoo lang, sila ang expert pagdating sa operation ng CHITS. Important segments of CHITS came from these group.

Kudos to Director Bayago (na parang celebrity ang dating), Dr. Gilbert Par, Ma'am Denise, Sir Jojo at sa mga CHD4 staff!!

Nagsisimula pa lang ang laban sa pag-propagate ng CHITS.....


Ang Pilipino Funny Komiks



Gusto kong balikan ang mga alaala ng kabataan. Lalo na ngayon at panahon ng Undas, maraming alaala ang bumabalik lalo na iyong nabubuhay ang aming tatay. Isa sa mga hindi ko malilimutan ay ang lingguhang pagbili ng Funny Komiks. Para sa may kamalayan na nung 1990's,sikat na sikat itong babasahin na ito. First binilhan ng tatay namin nito around 1992 at from that point onwards na-addict na ako.


Maganda ang atake ng mga manunulat ng Funny Komiks. May social relevance ang ilan sa mga segments tulad ng "Mr. and Mrs" at "Planet op the Eyps". Hindi naman ako ganun katanda pa nung panahon na ito para maging interesado sa mga ganitong bagay (eh 10 years old pa lang ako nun). Mas naging panatiko ako ng pambatang kwento kagaya ng Combatron (the best ito!!), Force One Animax, Petit, Niknok, Tomas en Kulas, Super Blag at marami pang iba. It reminds me of the good 'ol days na nakaka-miss kapag nasa gitna ka ng pag-reremisnice.

Dahil sa Funny Komiks, nagkaroon ako ng masidhing interes sa pagbabasa lalo na ng history books. Dahil sa Funny Komiks, nagkaroon ako ng "something to look forward to" kapag weekends. Dahil sa Funny Komiks, na-realize ko na ang buhay ay minsan parang komiks. At dahil sa Funny Komiks, bumabalik ang mga magagandang alaala nung kasama pa namin si papa (syet, naiiyak na ako).

I am a man on a mission now. Kailangan mapuntahan ang mga junk shops, ma-contact ang mga childhood friends at mag-advertise sa Net. Magiging avid collector na ako ng Funny Komiks simula ngayon. I don't absolutely believe that some good things never last.