The Hound of the Wolf

For the strength of Pack is in the Wolf, and the strength of Wolf is in the Pack -Rudyard Kipling

Monday, November 13, 2006

Round 2


Simula na ng second term ko bilang isang MIS student sa UP Open University. Kahit wala akong idea sa standing ko last sem dahil wala pang grade, palagay na bumagsak ako sa isang subject. May enough motivation ngayon para mag-retaliate this semester. Sa totoo lang, nag-struggle ako sa programming languages last sem dahil napaka-abstract ng dating.

Mas confident ako na mailulusot ko ang sem na ito. Hindi dahil sa madali ang subjects kundi mas madaling maintindihan dahil actual information systems na ang coverage. Kasama na dito ang Web Information Systems, ang "bread and butter" ko sa nakalipas na tatlong taon. Malamang ay prof ko nanaman ang prof namin sa PL dahil siya ang author ng isa sa mga modules this sem. I guess oras na para i-redeem ang nasira kong pangarap sa subject na ito.

At bilang pampalipas oras, kinuha ko ang PM 227 o Human Resources Management and Development. Pagka-receive ng module, naisip ko na mukhang duduguin ako sa subject na ito...
Ang akala ko na pampalipas oras na subject ay isang serious matter pala.

Ayaw ko mag pre-empt sa kalalabasan ng round 2 sa MIS ng UPOU. I just hope for the best and be prepared for the worst. Maraming vita plus ang kakailanganin nito.

Isa sa mga events during the first semester ay ang webquest group activity sa Online Teaching and Learning. I got the chance to be a groupmate of Ma'am Surie and Ma'am Aleli highly esteemed professors from UP Mass Communication and Ate Sinta,a UP Mass Comm alumni. Powerhouse group except for one lost member. Ako yata iyon. Pero ako naman ang pinakabata, hehehe.