Isang araw sa bayan ng Banawe ...
Nitong nakalipas na linggo, pinalad ang inyong lingkod na magawi sa bandang norte. Nagkaroon ako ng pagkakataon na masilayan right in front of my face ang sinasabing 8th wonder of the world, ang Banawe Rice Terraces. Actually, hindi pasyal ang pinunta namin dito kundi trabaho sa PhilMIS. Ang hirap mag-focus lalo na kung ang pag-iisip na hati sa trabahong dapat gawin at sa pamamasyal. Ang resulta: namamasyal na isip.
Dumating ang aming grupo ng bandang 5:30 nang madaling araw. Putsa, ang lamig. Mas malamig pa yata sa 8 hours na pagkakababad sa aircon. Mas malupit ang scenario ng banawe pagdating ng umaga. Nalulungkot lang ako dahil kailangan nang mag-focus sa pagtrabaho.
Maganda naman naging assessment ko sa tinakbo ng training. Di ko nga lang alam sa audience. Siguro natuwa din sila dahil may isang bagong salta na mukhang engot sa pag-intindi sa ilocano. I don't see the point of seeing two natives talking to each other in ilocano then will stare at you for 3 seconds and blurt out some comments, of course in ilocano. Pero ang mababait at masiyahin naman sila
Anyway, below are just some of the pictures I took from the Banawe trip :
Sa taas ng Viewpoint, medyo brown na ang terraces dahil harvest time na.
Behind me is still the rice terraces pero may community na. Notice the building with the green roof? Private elementary school iyan .... ang sisipag ng mga bata dito pumasok
This is a nearer version of terraces from Viewpoint perspective.