Ika singkwentang post !
Singkwento. Limampu. Kalahati ng siyento. 50. Di ako makapaniwala na sa tamad kong ito ay umabot na ng limampu ang mga post ko sa blog na ito. Monumental feat ito! Gayunpaman, nasa kalagitnaan ng matinding kalungkutan ang pobreng author ng blog na ito. Pasensya na pero wala talaga akong gana mag-blog ngayon kaya hindi ko na mai-format ito nang maayos. Ang hirap ng mawalan ng kaibigang itinuring ko nang malapit sa isip, puso at sa gawa (binibigkas ito sa saliw ng "Panatang Makabayan" habang nakataas ang kanang kamay). Umaasa akong may 50-50 chance na maayos ang nangyaring issue subalit hindi pala ito pwedeng one-sided lang.
Isang avid advocate ng "never say die" principle ang author ng blog na ito. Bibihira lang ang mga bagay at sitwasyong magpapasira sa personal force field ko. Medyo mahaba haba ding panahon buhat nung sumakabilang buhay ang tatay na magkaroon ng sitwasyong magpapalabas ng emphatic aspect ng pagkatao ko. Mahirap hanapan ng biglaan kasagutan ang mga tanong na tulad ng "bakit ako lang ang umiiyak?" lalo na kung patay ang soft side. Ngayon lang nag-sink in ang mga mensaheng tunay na bumutas sa force field ko. Sa ilang araw na pagmumuni, na-realize ko na talagang dapat harapin ang mga tanong na ito sa kabila ng pag-justify ng insensitive at immune sa sakit. Pain is an indication that you are still alive and struggling hard to resolve an issue. Sa tingin ko, patay na nga ako.
Kahit matindi ang kagustuhan ng inyong lingkod na ayusin ang bawat gusot, wala na yata akong chance para gawin ito. Kelangan bumalik muna sa dating nakagawiang buhay habang pinaghihilom ang sugat na gawa ng pangyayari. Nanamnamin ang mga salitang tinanggap, na kahit masakit ay may punto ng katotohanan. Kung ang paglimot sa isang bagay ay paraan upang makatakas sa sakit, so be it. Ngunit, ayaw kong kalimutan ang mga sakit at di kagandahang sitwasyon. Mas lalong ayaw kong burahin ang mga magagandang memories kasama ang kaibigang nagpabago at nagpalawak ng pananaw ko sa buhay. Kahit ito na lang ang matira.
Asking an apology would be an understatement. Maaring di na nito mababago ang sitwasyon at di rin dagliang matatanggal ang sama ng loob. Pero ang masasabi ko lang rin ay umaasa ako na maging masaya at fulfilled siya sa lahat ng aspeto. Wala pa rin akong ibang hinahangad kundi ang kanyang ikabubuti. At kung binabasa mo ito... May fate reward you all the best life could offer. You have the full control of your future. Good luck sa iyo ma'am! Alam kong kaya mo iyan. Salamat sa lahat ng kabutihang ipinakita mo.
Sa isang tabi, nasaan ang tema ng "fifty" sa blog entry ko ngayon? Sinisimbolo ng 50 ang gitna o neutrality. Simple lang, 50-50 nanaman siwasyon ko ngayon. Crunch time, cross roads at middle of nowhere nanaman ang author. Di bale, oras na para matuto at i-apply ang lessons. Oras na para mag-move forward. Oras na para maningil ng 50 % sa mga may utang. Oras na din para magbayad ng 50% sa pinagkaka-utangan.

<< Home