Kick off galore
Sa pagpasok sa ikaanim na buwan ng taong 2007, maraming personal at panlipunang "kick-off" ang mangyayari. Kick-off na ang mga nagwaging pulitiko sa pagbawi ng nagastos este pagsisilbi sa kanilang posisyong kalalagakan. Kick-off na din ang pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral. Pangatlo, tinatayang mas maaga at mas marami ang papasok na mga bagyo sa bansa at therefore, kick-off na din ang mga baha at dengue fever.
Sa personal na bagay bagay, kick off na ang pag-launch ng sari saring computer applications na kinabaliwang gawin nitong tag-araw. Ika nga, simula na ang acid test ng isang software. Subalit, datapwat, ganun pa man, dapat ay ma-neutralize ang nagbabadyang acid test. Ikalawa, kick off ng huling pagbiyahe sa PhilMIS 2 project. Nakaka-miss ang mga masayang paghihirap sa project na ito. Ikatlo, simula na ng "real world domination" ng CHITS ngayong may avenue na upang ang mga end-users ay mag-usap, may bagong data model at development flow at may papasok ng funding (yipee!). Lastly, kick off na ng 2nd Asian travel sa Bangkok very soon.
Sabi nga isang kanta ng Semisonic, "every new beginning is some other beginning's end".
<< Home