Random thoughts at the dawn
2:13 AM, Rm 216 of YMCA Penang, di pa rin ako makatulog. Dahil sa tindi ng lamig o dahil sa init ng aking sinat? Pareho. Nakakatuwa na nagiging opium ko na ang pag-iisip ng mga susunod na hakbangin kahit matagal pa. Shet, hindi ako ganito, hindi ako ito pero kailangan kong maging ganito.
Bukas ng umaga, kailangang gumising agad para mag-ayos ng gamit. Agenda number 1 ay mag-check ng email upang malaman kung may available slots pa sa Trekkerlodge
Otherwise, sa kalye na lang ng Kuala Lumpur ako matutulog. Hinihintay ko din ang reply ni Ms. Dora, isang Malaysian friend para sa mga directions ng pasikot-sikot sa KL.
Eto ang gustong magawa bukas, i need to document this:
1. Kain ng complimentary breakfast sa YMCA 8PM
2. Balik sa hotel para magpahinga sandali at mag-empake
3. Check-out na ng 9:30 pero iwanan ang luggages sa counter
4. Bisitahin ang hawker na nag-serve ng spicy Indian foods. 10PM
5. Maghintay ng bus sa Komtar papuntang Sungai Nibong
6. Dapat ay nasa SUngai Nibong na para naman sa bus papuntang KL
7. Alis ng 11PM, should arrive in KL by 3PM
8. Check-in sa Trekklodge kung may slot pa. Kung wala na, hanap. 3:30PM
9. Pahinga ng konti at magsimula nang maggala around 4:30 PM
Makatulog na nga, zzzz.