The Hound of the Wolf

For the strength of Pack is in the Wolf, and the strength of Wolf is in the Pack -Rudyard Kipling

Friday, April 20, 2007

Scheds na di dapat malimutan

Umiiksi ang aking memorya lately kaya kelangan isulat ang mga skeds na ito. Titira muna ako ng Enervon Prime at kakain ng lecithin.

April:

24 - UPCM ADPR RUMIS meeting (2pm)

25 - Departure for Roxas City, Capiz

Itinerary (based on ABM's annotations):

April 25: Alison Perez will conduct technical support training with
Capiz GIS. This will take the whole day. The servers of both RHUs
should be made available for the setup and configuration.

Objectives:
- explain the technical aspects of CHITS to Capiz CHITS Technical support team
- install and configure Linux
- setup Apache, PHP4, MySql
- install CHITS
- load CHITS MySql scripts
- login as admin
- create admin account

26 - Tuloy ang pag-CHITS

AM (Marcelo/Marcelo/Bermejo with health workers)
AM (concurrent session with Alison and GIS) setup of 2 servers and
workstations in hands on training area

PM (merge Marcelo + Alison) continuation of health workers training
and hands on
- opening CHITS
- logging in
- logging out
- registration

27 - Last day ng CHITS

(Marcelo/Perez): continuation of hands on
- review of previous day's lessons
- create family folder
- add patient to family folder
- assign household head
- create consult (for household head)
- assign Philhealth
- EPI


PM: Maglakwatsa sa Roxas at kumain ng maraming talaba.

28 - Departure for Manila (am)

For Dr. RB and Capiz GIS, if you are reading this entry, we might be needing a router instead of ethernet switch for our technical session. That is, kung di pa naman nakakabili. We can settle on using switch kung meron na.

Last week of April: Submission of project documents to PCCP. Follow up next meeting for the implementation of INA.

May:
1: Labor Day kaya may pasok sa April 30 (8-5)

April 30, May 2-4: configure Wifi Range Expander in MSC, start Buddyworks-UPCM connectivity, follow-up hardware for IP-VOIP from Imperium

8 - 11: OSHCA Conference, Kuala Lumphur, Malaysia. Chance entrant lang, sana makahabol

14: Eleksyon. Di naman ako boboto.

22: Philmis 2 Technical Working Group meeting, WHO

26: Kuhaan ng learning modules at materials sa UP Open University

It's time to put on more flare, it's time to perform and execute.

Thursday, April 19, 2007

The 2007 NBA Playoffs - First Round

Kasabay ng maiinit na temperatura ay ang pagpasok ng NBA postseason. Except sa Golden State Warriors, ang 15 pang teams ay talagang inaasahang pumasok sa round of 16. Ito ang mga match-ups.

Eastern Conference:

1. Detroit Pistons (1) vs Orlando Magic (8)
Bet to win: Pistons is 5 games (at magtutuloy tuloy sa NBA Championship)



2. Cleveland Cavaliers (2) vs Washington Wizards (7)
Bet to win: Cavs in 6 games


3. Toronto Raptors (3) vs New Jersey Nets (6)
Bet to win: Nets in 7 games



4. Miami Heat (4) vs Chicago Bulls (5)
Bet to win: Bulls in 6 games



Western Conference:
1. Dallas Mavericks (1) vs Golden State Warriors (8)
Bet to win: Mavs in 7 games



2. Phoenix Suns (2) versus Los Angeles Lakers (7)
Bet to win: Suns in 5 games


3. San Antonio Spurs (3) vs Denver Nuggets (6)
Bet to win: Spurs in 6 games


4. Utah Jazz (4) vs Houston Rockets (5)
Bet to win: Jazz in 7 games

Wednesday, April 18, 2007

Ika singkwentang post !

Singkwento. Limampu. Kalahati ng siyento. 50. Di ako makapaniwala na sa tamad kong ito ay umabot na ng limampu ang mga post ko sa blog na ito. Monumental feat ito! Gayunpaman, nasa kalagitnaan ng matinding kalungkutan ang pobreng author ng blog na ito. Pasensya na pero wala talaga akong gana mag-blog ngayon kaya hindi ko na mai-format ito nang maayos. Ang hirap ng mawalan ng kaibigang itinuring ko nang malapit sa isip, puso at sa gawa (binibigkas ito sa saliw ng "Panatang Makabayan" habang nakataas ang kanang kamay). Umaasa akong may 50-50 chance na maayos ang nangyaring issue subalit hindi pala ito pwedeng one-sided lang.

Isang avid advocate ng "never say die" principle ang author ng blog na ito. Bibihira lang ang mga bagay at sitwasyong magpapasira sa personal force field ko. Medyo mahaba haba ding panahon buhat nung sumakabilang buhay ang tatay na magkaroon ng sitwasyong magpapalabas ng emphatic aspect ng pagkatao ko. Mahirap hanapan ng biglaan kasagutan ang mga tanong na tulad ng "bakit ako lang ang umiiyak?" lalo na kung patay ang soft side. Ngayon lang nag-sink in ang mga mensaheng tunay na bumutas sa force field ko. Sa ilang araw na pagmumuni, na-realize ko na talagang dapat harapin ang mga tanong na ito sa kabila ng pag-justify ng insensitive at immune sa sakit. Pain is an indication that you are still alive and struggling hard to resolve an issue. Sa tingin ko, patay na nga ako.

Kahit matindi ang kagustuhan ng inyong lingkod na ayusin ang bawat gusot, wala na yata akong chance para gawin ito. Kelangan bumalik muna sa dating nakagawiang buhay habang pinaghihilom ang sugat na gawa ng pangyayari. Nanamnamin ang mga salitang tinanggap, na kahit masakit ay may punto ng katotohanan. Kung ang paglimot sa isang bagay ay paraan upang makatakas sa sakit, so be it. Ngunit, ayaw kong kalimutan ang mga sakit at di kagandahang sitwasyon. Mas lalong ayaw kong burahin ang mga magagandang memories kasama ang kaibigang nagpabago at nagpalawak ng pananaw ko sa buhay. Kahit ito na lang ang matira.

Asking an apology would be an understatement. Maaring di na nito mababago ang sitwasyon at di rin dagliang matatanggal ang sama ng loob. Pero ang masasabi ko lang rin ay umaasa ako na maging masaya at fulfilled siya sa lahat ng aspeto. Wala pa rin akong ibang hinahangad kundi ang kanyang ikabubuti. At kung binabasa mo ito... May fate reward you all the best life could offer. You have the full control of your future. Good luck sa iyo ma'am! Alam kong kaya mo iyan. Salamat sa lahat ng kabutihang ipinakita mo.

Sa isang tabi, nasaan ang tema ng "fifty" sa blog entry ko ngayon? Sinisimbolo ng 50 ang gitna o neutrality. Simple lang, 50-50 nanaman siwasyon ko ngayon. Crunch time, cross roads at middle of nowhere nanaman ang author. Di bale, oras na para matuto at i-apply ang lessons. Oras na para mag-move forward. Oras na para maningil ng 50 % sa mga may utang. Oras na din para magbayad ng 50% sa pinagkaka-utangan.

Wednesday, April 04, 2007

The grandest stage of them all

Katatapos lang nitong kaagahan ng linggo ang ika-23rd na edisyon ng Wrestlemania. Kahit sinong masugid na tagasubaybay ng WWE ay sadyang inaabangan ang pagtutong ng April 1. Hindi lang sa dahil April Fool's day ito na pwede mang-joke at mangloko, kundi ang culminating event ng wrestlemania week, ang Wrestlemania 23! Ang tema para sa taong ito ay "Wrestlemania 23: All Grown Up". Nakatutuwang isipin na karamihan sa mga kasalukuyang WWE superstars ay lumaking fan ng wrestling. May isang footage pa ngang nag-Boston Crab (o pinipilipit ang spine) ni Cena ang kapatid niya nung sila ay bata pa. Ano kaya ang hitsura nina Undertaker, Kane, Great Khali at Wormshoggle (aka Little Bastard) nung sila ay bata pa? Nakakatakot isipin.

Dalawang oras akong sumubaybay sa live updates sa wwe.com. Nalugi ng dalawang oras ang employer ko dahil sinadya kong mag-work strike para di ma-miss ang updates ng wrestlemania. As it turned out to be, di binigo ng mga script writers ni Vince McMahon ang mga fans. Ika nga, bukod sa magandang storyline at flow of events, sa wrestllemania lang dinudugo nang totohanan ang mga wrestlers. Almost half of personal bets won their respective matches:

Summary of results:

1. Kane vs Great Khali (Monster vs Monster match) - natalo ang bet kong si Kane dahil sinakal siya ng chain ni Great Khali.

2. Chris Benoit vs MVP (for the US Championship) - yahooo, panalo si rabid wolverine. Wais ang taktika ni MVP na banatan ang braso upang maiwasan ang Criplet Crossface pero di niya nabanatan ang matigas na nuo ni benoit. Natapos si MVP sa isang matinding Flying Headbutt.

3. ECW Originals versus ECW New Breed - the Original taught the newcomers a lesson they should never forget: get extreme, be hardcore.

4. Ashley versus Melina - natalo ang favorite WWE diva ko na si Ashley. Di bale, siya naman ang frontcover ng Playboy this April.

5. Money in the Bank Challenge - wild, dangerous, unpredictable. Ito ang money in the bank challenge this year. Dahil sa wild nga, si Jeff Hardy ang bet ko na mananalo this year. Kaya lang nahulog mula sa itaas ng ring at dirediretso sa semento. Tulog. In the end, ang nagwagi ay si Mr ......... Kennedy (Kennedy.

6. Battle of the Billionaires - Ito ang isa sa main attraction ng gabi. Either uuwing kalbo si Vince McMahon o si Donald Trump. Isama mo pa ang tinaguriang toughest SOB of all time na si Stone Cold Steve Austin, tiyak na riot ang nangyari. In the end, kalbong umuwi si Vince dahil natalo ang pambato niyang si Umaga kay Lashley.

7. Batista versus Undertaker (for the World Heavyweight Championship) - tsk tsk, to bad, Batista is not Manny Pacquaio. Natalo ang kababayan na si Batista sa pamamagitan ng isang makabasag bungong Tombstone Piledriver ni Undertaker. The streak lives on 15-0 and the Animal will aim to get his rematch soon.

8. Cena versus HBK (for WWE Chamnpionship) - it is clear that the torch of glory has already been passed to Cena and he has valiantly defy the odds. Pero hindi pa handang mag-retire si Shawn Michaels. Another classic championship match ang isang ito. Pero nauwi sa pag-tap out si HBK sa STFU submission move ni Cena. The Champ is still here!

One of the highlights in wrestlemania that will probably stay beyond eons of time: